Ang nakikita nyo na picture sa itaas ay ang Dambana Ng Kagitingan o sa ingles ay Shrine of Valor. Ito ay sobrang laki halos kasing laki na nito ang 30 floors na building. Pag nakapunta ka sa taas ay para kanang nasa langit dahil sa sobrang taas idagdag mo pa ang taas ng bundok ay sobrang taas talaga. Pagdating mo pa sa taas ay sobrang lamig din mas malamig pa ata sa baguio eh.
Syempre bago ka makapunta sa taas ay dadaan ka muna sa mahabang hagdan. Bago ka pumunta sa taas ay pumunta ka muna sa museum nito. Sinasabi ko na sa inyo masaya dito sa lugar na ito.
Kaya gustong gusto ko na pumunta sa iba't ibang lugar dahil malalaman mo ang nakaraan ng ating bansa. Malalaman mo kung sino ang mga nag sacripisyo at lumaban para lang sa ating kalayaan ng ating bansa. Sana ay makapunta rin kayo dito sa lugar na ito para maranasan nyo ang mga nangyari sakin at sa iba na nakapunta na.


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento