Huwebes, Enero 15, 2015

Baguio Trip

           Eto nga pala ang pangalawang lugar na aking pinuntahan at dahil don ibabahagi ko ang mga aking nakita o nasilayan sa lugar na aking pinuntahan . Ang aking pinuntahan nga pala ay ang isa sa mga pianakamalamig na lugar sa pilipinas na tinatawag ring BAGUIO . Una sa lahat bago kami makapunta doon kailangan namen magstop over sa Mcdo ng mga 3:00 ng Umaga , pagkatapos ay huminto kami sa Manoag Church para magsimba ng mga 6:00 ng umaga , tas nun ay Dumaan kami sa Kennon Road na Ipinangalan kay Lyman Walter Vere Kennon na isang sundalo ng U.S army corps of Engineers. Patuloy kami naglakbay patungong Baguio hanggang makarating kami sa Lion. 
         Doon ko natikman ang napakasarap na Taho ng Baguio, Meron itong dalawang Flavors ang Strawberry at Caramel . Para saakin mas masrap ang strawberry kasi dito lang ito matitikman . Makikita mo rin sa mga lion ang sandamakmak na tindahan ng mga pasalubong , marami rami rin ang mga tao dito bago ka makapunta ng Baguio Sumunod kami nagtungo sa isang lugar na di ko alam dito namin naisipan magpicturan.

          Sobrang Ganda nang View Dito , Namangha ako kasi ngayon ko lang nakita ang ganito kagandang tanawin . Nagpatuloy agad kami papuntang Baguio , nagtungo kami sa P.M.A o Philippine Military Academy . Doon makakakita ka ng Sandamakmak na Tanke.


            Matagal tagal ren kaming nagistay dito dahil dito na kame kumain ng agahan at tanghalian. Sakto at Nasilayan namin ang mga sundalo rito na Nagaasemble.
          Naastigan ako sa mga ginawa nila dahil ngayon lang ako nakakita na ginagawa ito dito ren sa P.M.A makikita ang mga eroplano na ginamit panglaban ng Pilipinas.
           Halos lahat ng nakita ko dito sa Baguio ay ngayon ko lang nakita. Nagpatuloy kami sa paglalakbay papuntang Baguio . Kami ay pumunta sa bahay ng kakilala ng nanay ko at dun kami natulog nung Gabi.Pagkaraan ng Bukas Nagpunta agad kami sa Burnham Park.

        Pagkatapos namin pumunta sa Burnham park ay umuwi agad kami upang makaiwas sa trapik. Syempre Bago kami Umuwi Dumaan kami sa Manoag Church para Magsimba ulit . Tapos ay agad agad naren kaming umuwi para makapgpahinga. Sa Ngayon ito ang isa sa mga pinakamagandang lugar na aking pinuntahan . Yinayaya ko ngayon ang lahat ng Magbabasa neto para Pumunta sa Baguio At Isama ako hahaha syempre joke lang yun :)